CAVITE , Philippines — Limang persons under investigation (PUIs) ang namatay habang umakyat na sa 11 katao ang nagpositibo sa COVID 19 sa Dasmariñas City, Cavite.
Sa Facebook page ni Congressman Pidi Barzaga at City Mayor Jenny Barzaga, inihayag nito na 21 barangay sa lungsod ang isinailalim sa Extreme Enhance Community Quarantine (EECQ) matapos na mabilis na tumakas ang mga nagkaroon ng nasabing virus.
Sa kasalukuyan ay 75 katao na ang nasa ilalim ng PUI kung saan 5 ang nakaadmit sa pagamutan, 15 ang nasa ilalim ng home quarantine at 50 ang nakatapos na sa 14 days qurantine at na-discharged na sa mga ospital.
Umabot naman sa may 944 katao ang PUMs o Person Under Monitoring na karamihan ay pawang mga senior citizens.