370 Pinoy crew mula Italy nakauwi na ng Pinas

MANILA, Philippines  — Dumating na sa bansa noong Sabado ng gabi ang may 370 na Filipino seamen mula sa tatlong cruise ships na nakadaong sa Italy.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), na ang mga pinabalik ay binubuo ng may 248 Filipino mula sa MV Costa Luminosa sa Milan, at 122 Pinoy mula naman sa MV Grandiosa at MV Opera na nakadaong sa Rome.

Isang chartered flight ang nagsakay sa mga crew members pabalik dito sa bansa sa pagtutulungan na rin ng Philippine Embassy sa Rome, Philippine Consulate General sa Milan at tanggapan ng DA Undersecretary for Migrant Workers Affairs.

Isinailalim naman ang mga pinabalik na Pinoy sa medical check-up kaya nadiskubre na walang silang sintomas ng COVID-19 bago sumakay sa chartered flight.

Sa kabila nito kailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine na pangangasiwaan ng Bureau of Quarantine at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin alam kung saan ilalagay ang mga Filipino crewmen para sa kanilang self quarantine.

Show comments