Sa panahon ng quarantine
MANILA, Philippines — Magandang pagkakataon ang enhanced community quarantine upang magkaroon ng produktibong gawain gaya ng home gardening, ayon kay Sen. Cynthia Villar.
Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay.
“Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can start alone or with your family. It’s a way of introducing agriculture to our children,” ayon kay Villar na nagdagdag na may tutorials sa internet tungkol basic instructions sa home garden.
“Hindi kailangan ng malaking lupain. You can plant in small spaces or containers and start with crop varieties that are easy to grow like pechay, sili, tomato, eggplant, okra, calamansi, among others,” sabi pa ni Villar.