MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Health Undersecretary Rosette Vergeire na walang scientific basis na nakagagamot sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang pagkain ng saging.
Sinabi ni Vergeire na bagama’t maganda sa katawan, wala pang konkretong ebidensya na magiging proteksyon ng isang tao ang pagkain ng saging sa COVID-19.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nabasa niya sa internet na mahusay ang pagkain ng saging at pagmumumog ng tubig na may asin para makaiwas sa COVID-19.
Ayon kay Vergeire, hanggang ngayon, wala pang gamot sa COVID-19.
Maging ang coconut virgin oil ay masusi pang pinag-aaralan sa Singapore kung makatutulong ito na panggamot sa COVID-19.
Related video: