^

Bansa

Twitter ni Locsin 'locked' nang sabihing dapat barilin ang mga aktibista

Philstar.com
Twitter ni Locsin 'locked' nang sabihing dapat barilin ang mga aktibista
Kuha ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. habang nakikipag-away sa isang aktibista.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Hindi muna magagamit ng kalihim ng Department of Foreign Affairs ang ilang features ng kanyang Twitter account matapos magpaskil ng kanyang pagnanais na mabaril ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan.

Lunes ng umaga, ipinost ni BAYAN secretary general Renato Reyes Jr. ang isang notification mula Twitter support matapos ireklamo ang inilathalata ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

"Na-lock ang Twitter account ni Teddyboy Locsin, sekretarya ng DFA, dahil sa bastos at mapagbantang tweet na nag-aakusa sa BAYAN," ani Reyes sa Inggles.

Kilala si Locsin sa kanyang mga maanghang na pakawala sa Twitter, kung saan aktibo siyang user.

Pasado alas-sais y media nang gabi, Linggo, pa ang pinakahuling update ng kalihim sa kanyang Twitter account.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang mag-react si Locsin sa pagkwestyon ng BAYAN sa pagpapatuloy ng Balikatan exercises kahit na pinutol na ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement.

Sa nasabing reaction tweet, inilabas ng DFA secretary ang kanyang saloobin, kung sinabi niya ang sumusunod: "T*ngina, mga komunista ito! Hindi sila dapat pinakikinggan. Binabaril ang mga ito."

Burado na ang nasabing tweet dahil sa paglabag sa alituntunin ng microblogging site, na kanyang inilabas noong ika-5 ng Marso.

Hindi porke't kasapi ka ng BAYAN, o anumang maka-Kaliwang grupo ay miyembro ka na ng Communist Party of the Philippines.

Hindi rin iligal ang membership sa CPP simula nang i-repeal ang Republic Act 1700, o Anti-Subversion Law, taong 1992.

'Locked account' ano ang epekto?

Pero ano nga ba ang epekto ng mga aksyon ng top diplomat ng bansa?

Narito ang sinasabi ng Twitter pagdating sa paglabag sa kanilang mga panuntunan:

"If a Tweet was found to be in violation of our rules, and has yet to be deleted by the person who Tweeted it, we will hide it behind a notice. The account will remain locked until the Tweet is removed."

Maaari pa ring masilip ng DFA secretary ang kanyang feed ngunit limitado na lang ang kanyang maaaring magawa.

Ilan sa mga pwede niya pang gawin ay magpadala ng mga mensahe sa kanyang mga followers, ngunit hindi siya makapagti-tweet, retweet o like ng iba pang paskil sa nasabing social media site.

Pwede ring dumulo sa permanent suspension ang Twitter user na paulit-ulit na lalabag sa kanilang rules. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

RENATO REYES JR.

TEODORO LOCSIN JR.

TWITTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with