Basil Valdez, Lani Misalucha at Ryan Cayabyab, nagsanib!

?‘The Story Begins.....

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang tatlong Filipino icons sa music industry, na kinabibilangan ng timeless crooner na si Basil Valdez, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at National Artist Awardee Maestro Ryan Cayabyab, sa isang konsiyerto na pinamagatang “And The Story Begins.”

Ang powerhouse concert, na idaraos ganap na 8:00 ngayong gabi, Pebrero 28 at 29, 2020 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila (RWM).

Katuwang ng RWM ang CCC Productions para sa nasabing konsiyerto na katatampukan din ng Manila Symphony Orchestra String Ensemble.

Makakasama nina Cayab­yab at Valdez sa unang pagkakataon si Misalucha sa naturang dalawang gabing eks­klusibo at pinakaaabangang pagtatanghal, na nangangakong muling pasisiglahin ang local concert scene.

Sa nasabing konsiyerto, muling iparirinig ng mga naturang music icons ang kanilang mga orihinal na pop hits na patuloy na nakakaakit at tinatangkilik ng mga music fans hanggang sa ngayon.

Inaasahang ipapamalas din nila kung paanong ang Filipino music industry ay nagsimula at nag-ugat para sa bagong dekada, sa pamamagitan nang muling pagbisita sa mga antolohiya na siyang humubog ng local entertainment industry sa ngayon.

Ang tiket para sa “And The Story Begins” ay available na sa RWM Box Office at lahat ng TicketWorld outlets.

Show comments