MANILA, Philippines — Makabuluhang libangan ang photography, nakakasabik, nakakalibang, at mabuting mapagkakitaan. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada, ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang nasa likod nang ‘di mapapantayang paglago ng photography sa bansa sa pamamagitan ng pagdaraos ng basic photo courses para sa nagsisimula at hobbyists at sa mga professional photographers na naghahangad na higit na matuto at mas mahusay sa pagiging photographer.
Ang basic photo courses ay para sa mga baguhan na gustong matuto ng photography at special courses sa mga professional photographers na gustong mas maging bihasa upang makahigit sa kapwa photographer maituturing na ganap na propesyonal. Ito ay may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng camera at makakuha ng litrato sa loob lamang ng 5 araw or 40 oras. Para sa corporate employers, mas maigsing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay tamang pagkuha ng litrato.
Gaganapin sa susunod na 5-sabado ang basic photography seminar umpisa sa Marso 21. Special courses: Lighting Essentials, Peb. 29 at Marso 1; Wedding, Marso 28-29; Cruiseship, Peb. 16; Lightroom, Peb. 15; Photoshop, Marso 28.
Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila. Tel. 8524-7576/8528-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.