^

Bansa

Alumni homecoming sa PMA natuloy rin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Alumni homecoming sa PMA natuloy rin
Nilinaw ni Capt. Cheryl Tindog, tagapagsalita ng PMA, ang paglilimita sa mga bisitang pinayagang pumasok sa PMA ay bahagi lamang ng kanilang protocol o precautionary measure laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga kadete at ng publiko.
STAR/ File

Bisita nilimitahan

MANILA, Philippines — Natuloy na rin kahapon ang pagdaraos ng Philippine Military Aca­demy (PMA) alumni homecoming sa Baguio City ngunit kakaunti lamang ang naitalang duma­lo rito bunsod na rin ng banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Nilinaw ni Capt. Cheryl Tindog, tagapagsalita ng PMA, ang paglilimita sa mga bisitang pinayagang pumasok sa PMA ay bahagi lamang ng kanilang protocol o precautionary measure laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga kadete at ng publiko.

Matatandaang unang linggo pa lang ng buwan ng Pebrero nang isara ang PMA sa mga bisita at maaari lang pumasok sa akademya ang mga alumni at kanilang pamilya bagama’t limitado rin lamang.

Bago payagang ma­ka­pasok ay sinusuri ang temperatura at ang mga ma­kikitaan ng sintomas ng virus, gaya ng lagnat, ay iminumungka­hing magtungo muna sa pagamutan.

Hindi naman kaagad natukoy kung gaano karami ang bilang ng mga dumalo sa pagtitipon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala naman umanong kadete ang nakitaan ng sintomas ng virus ngunit tiniyak ng PMA na handa naman sila sakaling may matukoy na kaso ng sakit.

CHERYL TINDOG

PMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with