MANILA, Philippines — Sa gitna ng kontrobersiya sa ‘Pastillas’ sa pagitan ng tauhan ng Bureau of Immigration at Chinese workers sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), limang opisyal ng BI ang sinibak sa puwesto.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, agad na inalis sa puwesto ang mga NAIA terminal heads at hepe ng travel control and enforcement unit.
Nabatid na bumuo ng isang fact-finding committee si Immigration Commissioner Jaime Morente na titingin sa sinasabing “pastillas” scheme, kung saan nakarolyo sa mga bond paper ang P10,000 na bayad ng mga Chinese nationals saka ibibigay sa tauhan ng BI at sa mga travel agency ng China at Pilipinas.
Ani Sandoval, may 15 araw ang komite upang mag-imbestiga at magsumite ng ulat.
Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal na mapapatunayang guilty.