MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ang bansa ng panlaban sa COVID-19, kasabay ng pag-aaral ng mga eksperto sa potensyal ng langis ng niyog bilang lunas nito.
Ayon kay Dr. Fabian Dayrit, chemistry professor ng Ateneo de Manila University, ang niyog ay mayroong antiviral agents kung saan ito ay maaaring makatulong sa paggagamot ng COVID-19.
Aniya, ito rin ay sumailalim na sa pag-aaral kung saan napatunayang ito ay nakakatulong sa paggagamot ng iba pang sakit kagaya ng human immunodeficiency virus (HIV) at Junin virus na may pagkakaparehas ng COVID-19.
“It’s not a proof, but there is enough evidence that it might work,” dagdag niya.
Sagana sa niyog ang Pilipinas, kaya naman sang-ayon din ang Department of Health (DOH) na mag-conduct ng clinical tests sa potensyal ng langis ng niyog.
“We are requesting iyong ating researchers dito kung pwedeng tingnan,” ani DOH Usec. Eric Domingo.