China virus ‘di airborne - DOH

Lumalabas na nabuo ang ideya na maaaring airborne na ang Wuhan coronavirus dahil sa ma­ling translation nito mula sa medical term ng mga eksperto.
Mark Ralston/AFP

MANILA, Philippines – Wala pang ebidensya na airborne ang new coronavirus.

Ito ang binigyan diin ni Health Secretary Francisco Duque ka­sunod ng lumabas na artikulo sa China na nagsasabing airborne na ang deadly virus.

Lumalabas na nabuo ang ideya na maaaring airborne na ang Wuhan coronavirus dahil sa ma­ling translation nito mula sa medical term ng mga eksperto.

“Mukhang may problema sa translation issue. Kasi iyong aerosol di ba pag bumahing ka aerosolized ‘yung plema mo. Dun nakapaloob ang virus. But dahil mabi­gat ito, puwede siyang uma­bot pagkabahing mo within a distance of 3-6 feet,” sabi ni Duque.

Pero giit ng WHO, nananatili sila sa resulta ng pag-aaral na droplets lamang ang paraan para mailipat ang virus mula sa host patungo sa bagong biktima.

Samantala, inirekomenda ng DOH at WHO sa publiko na dalasan ang paghuhugas ng kamay, takluban ng kamay ang bibig at ilong tuwing babahin o sinisipon, at iwasang lumapit ng lubusan sa mga taong may sakit.

Show comments