PUIs umakyat sa 31
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 31 ang Persons Under Investigation (PUIs) kaugnay ng novel coronavirus.
Kabilang sa naidagdag sa tala ng PUI ang mag-asawa mula sa Quezon City matapos silang makaranas ng pananakit ng likod at kapwa may travel history sa China.
Samantala, ang mga Pinoy naman na nasa China na gustong makinabang sa voluntary repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas ay oobligahin na sumailalim sa 14-day quarantine bilang bahagi ng precautionary measure.
Sasagutin naman ng PhilHealth ang pagpapagamot ng mga itinuturing na PUIs sa novel coronavirus.
Sa ilalim ng coverage, P1,000 kada araw ang ilalaan ng PhilHealth para sa mga ospital na may pasyente na mayroong nCoV o kahit ang mga under investigation pa lamang.
Kung mauuwi sa pneumonia ang sakit ay covered ng PhilHealth ang pagpapagamot mula P16,000 hanggang P32,000.
- Latest