^

Bansa

Albayalde, 12 pulis kasuhan ng graft - DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng graft laban kay dating Philippine National Police chief Oscar Albaya­lde kaugnay ng umano’y recycling ng 200 kilong shabu sa Pampanga raid noong 2013.

Ang rekomendasyon ng DOJ ay bunsod umano sa ‘pag-impluwensya’ ni Albayalde sa ibang opisyal upang hindi maipatupad ang parusa laban sa kanyang mga dating tauhan.

Mga kasong misappropriation/misapplication of seized drugs, planting of evidence, delay in prosecution of drug charges, qualified bribery, at graft ang kakaharapin ng 12 pang pulis. 

Labindalawa lamang sa 14 na respondents na tinaguriang ‘ninja cops’ ang nakitaan ng probable cause at ang mga ito ay sina Police Supt. Rodney Baloyo IV, Insp. Joven Bagnot de Guzman Jr., SPO1 Jules Lacap Maniago, SPO1 Donald Castro Roque, SPO1 Ronald Bayas Santos, SPO1 Rommel Muñoz Vital, SPO1 Alcindor Mangiduyos Tinio, PO3 Dindo Singian Dizon, PO3 Gilbert Angeles de Vera, PO3 Romeo Encarnacio Guerrero Jr., SPO1 Eligio Dayos Valeroso at SPO1 Dante Mercado Dizon.

Aabot lamang sa P300,000 ang idineklara ng grupo ni Baloyo na nakumpiska nila sa ope­rasyon sa kabila na aabot talaga ito sa P10 milyon.

Ibinasura naman ang kaso laban sa dala­wa pang pulis dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensya.

Magugunitang ina­kusahan ang mga na­banggit na pulis na kumita umano ng P648 milyon mula sa 160 kilong shabu na kanilang kinuha mula sa ni-raid na bahay ng pinaghihinalaang Chinese drug lord na si Johnson Lee.

ALBAYALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with