^

Bansa

Battalion Commander sinibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa dinoktor na litrato ng sumukong mga NPA

MANILA, Philippines — Isang battalion commander ng Philippine Army ang tinanggal sa puwesto makaraang maikalat sa mediamen ang minanipulang lara­wan ng mahigit 300 rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumuko sa Bicol Region noong Disyembre 2019.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, inako ni Lt. Col. Napoleon Pabon, Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion ng PA ang responsibilidad sa pagmamanipula ng larawan ng mga sumukong NPA rebels.

Ang insidente ay iniimbestigahan ng Philippine Army Inspector General sa direktiba ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Gilberto Gapay kung saan natapos ang imbestigasyon ngayong buwang ito.

Sinabi ito ni Zagala matapos lumitaw ang resulta ng imbestigasyon kamakailan sa minanipulang larawan  ay tinanggal na si  Pabon sa puwesto.

Una nang nanindigan ang Philippine Army na tunay na nangyari ang pagsuko ng mahigit 300 rebelde at ang naging pagkakamali lamang ay ini-edit ang photo na pinagsama ang mga nakumpiskang baril at ang mga nakahilerang sumukong NPA rebels.

Sa nasabing lara­wan ay mistulang naka­lutang ang mga paa ng mga nagsisukong rebelde na umani ng mga pagkutya sa social media.

BATTALION COMMANDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with