MANILA, Philippines — Umapela si AAMBI-OWA partylist Rep. Sharon Garin sa publiko na bawasan ang pagsasayang ng pagkain.
Kasabay nito, nanawagan din si Garin na ipasa na ang panukalang naglalayong idonasyon o i-recycle ang mga tirang pagkain.
Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng ulat noong 2019 sa State of Food and Agriculture report ng United Nations Food and Agriculture Organization kung gaano kahalaga ang food waste reduction sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya at pag-improve sa agricultural production kahit na medyo may kamahalaan.
Sa ilalim ng House bill 3370 na ang Food Waste Reduction Act, may mandato na mag-donate ng mga edible food surplus para sa charitable purposes at magtatatag din ng food banks.
Itinatakda rin ng panukala sa mga may-ari ng restaurants, cafes, fast food chains o hotels, supermarkets na may 500 square metters gayundin ang mga culinary schools na ihiwalay ang kanilang mga tirang pagkain na maaari pang kainin para mai-donate at ipamahagi sa mga mahihirap na Pinoy.