MANILA, Philippines — Nasa labas na ng Pilipinas ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sinabi ng PAGASA sa weather bulletin nito kahapong alas-11:00 ng umaga na hindi na direktang apektado ni Ursula ang bansa.
Huling namataan si Ursula sa layong 595 kilometro ng kanluran ng Subic, Zambales sa labas ng PAR at naglalakbay nang pakanluran-timogkanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
“Sa mga susunod na araw, dalawa hanggang tatlong araw, wala naman po tayong inaasahang sama ng panahon na posible pong mabuo at makaapekto sa loob ng ating Philippine area of responsibility,” sabi ni weather specialist Meno Mendoza.