^

Bansa

16,000 pasahero stranded sa mga pantalan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
16,000 pasahero stranded sa mga pantalan
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Capt. Armand Balilo, may inihanda nang mga pagkain, tubig at matutulugan ang Department of Transportation sa mga stranded na pasahero.
Gikan sa City PIO

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 16,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Ursula.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Capt. Armand Balilo, may inihanda nang mga pagkain, tubig at matutulugan ang Department of Transportation sa mga stranded na pasahero.

“Ang mahirap dito iyong mga nakabiyahe na, tulad doon sa Matnog [Port], andoon na eh. Hindi naman nila na-anticipate na tala­gang mabilis iyong bagyo, akala nila makakatawid pa, talagang na-stranded sila,” pahayag ni Balilo.

Ani Balilo, magkukulang pa rin ang mga ito dahil sa dami ng pasahero. Inaalala ni Balilo ang hygiene, tutuluyan o matutulugan ng mga  pasahero.

Nasa pantalan ng Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Luzon, Northern Mindanao, Western Mindanao at Southern Visayas ang higit-kumulang 16,649 na pasahero na ayon sa pagtataya ng PCG ay nandoon na mula alas-4 pa ng umaga.

Pansamantala ring pinatigil ang operasyon ng 1,896 rolling cargo ships, 96 vessels at 15 motorbanca dahil sa sama ng panahon.

Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyong Ursula bago tumama sa kalupaan ngayong araw mamayang hapon o gabi, ayon sa PAGASA.

PANTALAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with