Palasyo: 5-minute travel mula Cubao-Makati kalimutan muna

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na kalimutan na muna ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 5-minutong travel time mula Cubao hanggang Makati, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“For December, kalimutan na muna natin; unless you want to ride on a chopper,” sabi ni Panelo.

Paliwanag ni Panelo na hindi natapos ang mga proyekto na magpapaiksi sa travel time mula Cubao hanggang Edsa.

Aniya, may panahon pa naman upang matupad ito hanggang bago matapos ang termino ni Duterte.

Pero maging ang Metropolitan Manila Development Authority ay aminadong hindi kapani-paniwala ang 5 minutong travel time na pangako ng Pangulo.

Show comments