Zaldy Ampatuan, pinababalik sa kulungan ng Quezon City court

Si Ampatuan ay dinala sa Taguig Pateros District Hospital noong October 21 nang atakihin sa puso at saka nai­lipat sa Makati Medical Center.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Quezon City Trial Court branch 221 na ibalik na sa kanyang selda sa Camp Bagong Diwa, Taguig City mula sa pagamutan ang Maguindanao massacre prime suspect na si Zaldy Ampatuan, isang araw bago ang pagbaba ng korte ng desisyon sa kontro­bersiyal na kaso.

Si Ampatuan ay dinala sa Taguig Pateros District Hospital noong October  21 nang atakihin sa puso at saka nai­lipat sa Makati Medical Center. 

Inatasan ni QC RTC Judge Jocelyn Solis Reyes ang Jail Warden ng QC Jail-Annex, Camp Bagong Diwa na agad dalhin si Zaldy Ampatuan sa kanyang detention facility.

Bukas takdang husgahan ni Judge Solis-Reyes ang 197 akusado sa Maguindanao massacre na naganap noong November 23, 2009 sa Maguindanao.

Sa insidenteng ito, 58 katao ang karumal-du­mal na pinaslang kasama ang 32 mediamen sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Ang mga napaslang ay bahagi ng convoy na papunta sa Comelec provincial office sa bayan ng Shariff Aguak para mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang noo’y Buluan town Vice-Mayor Esmael “Toto’’ Mangudadatu.

Show comments