^

Bansa

State of calamity idineklara sa Albay17 patay sa pananalasa ni Tisoy

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
State of calamity idineklara sa Albay17 patay sa pananalasa ni Tisoy
Sa ulat ng Police Regional Office V, lima ang nasawi sa Bicol Region; lima sa Oriental Mindoro; dalawa sa Marinduque; isa sa Ormoc City, Leyte at apat sa CALABARZON.
Facebook Photo

ALBAY , Philippines — Umakyat na sa 17 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa Bicol Region, Southern Tagalog at Eastern Visayas. 

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, lima ang nasawi sa Bicol Region; lima sa Oriental Mindoro; dalawa sa Marinduque; isa sa Ormoc City, Leyte at apat sa CALABARZON.

Naitala naman sa 18 katao ang nasugatan habang dalawa pa ang nawawala.

Ang bagyong Tisoy na nagdulot ng mala­lakas na pagbuhos ng ulan at hangin ay sumira ng 6,382 kabahayan.

Ang Albay na pinakagrabeng hinagupit ay nagdeklara na ng state of calamity. Ito’y para magamit ng lokal na pamahalaan ang 30% sa calamity fund ng lalawigan para sa disaster response at recovery operations.

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P667,331,940 ang napinsala sa mga pananim, fish ponds at mga bangka gayundin ang mga alagang hayop sa Bicol Region.

Naitala naman sa P156,524,438.50 ang napinsalang mga pananim at livestock sa MIMAROPA.

Umabot naman sa 123,912 pamilya o 495,408 katao ang naapektuhan ng bagyo sa Regions III, IV A, V, National Capital Region at MIMAROPA.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, patuloy ang paghina ng bagyong Tisoy habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran ng West Philippine Sea.

Ngayong Huwebes, si Tisoy ay tuluyan nang nasa labas ng bansa.

ALBAY

STATE OF CALAMITY

TISOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with