Paris of the East (Jones Bridge) magbabalik sa kinang ng Maynila

MANILA, Philippines — Unti-unti nang naibabalik sa lungsod ng Maynila ang kinang nito matapos na maibalik ang La Madre Filipina at pormal na buksan ang Jones Bridge na tinaguriang Paris of the East na sumailalim sa rehabilitasyon.

Una nang lu­magda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sina Mayor Isko Moreno  at  Tourism Secretary Bernadeth Romulo-Puyat na maibalik ang dalawang istatwa ng La Madre Filipina sa orihinal nitong lugar noong panahon bago mangyari ang World War II o Battle of Manila dahil sa pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Ang dalawa pang estatwa ng La Madre Filipina ay nasa pangangalaga ng Court of Appeals (CA).

Sinabi ni Moreno na mahalagang maibalik ang mga ito dahil sinisimbolo nito ang Maynila.

Ipinakikita nito ang heritage ng lungsod na napabayaan ng mahabang panahon.

Samantala, isang Memorandum of Understanding din ang ­nilagdaan nina Moreno at Puyat upang makapamasyal ng libre sa Fort Bonifacio ang mga  barangay officials, Person with Disability  (PWD) at senior citizens ng lungsod.

Show comments