LPG tank dapat may PS at ICC marks - DTI

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Trade and Industry-Bureau of Philippine Standards (BPS) sa publiko, partikular sa mga karinderya at restaurant na tangkilin at bumili lamang ng liquefied petroleum gas (LPG) tank na may marka ng Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) upang maiwasan ang anumang panganib sa buhay.

Ito ay bahagi ng standards enforcement campaign at market monitoring laban sa nagkalat na pekeng LPG tank na labis na nakakaapekto sa mga lehitimong manufacturers na certified ng DTI-BPS.

Kabilang sa mga lehitimong distributor ng LPG tank (cylinders) na Shine Gaz para sa household use ay binigyan ng certificate at license mula sa Bureau of Philippine Standards sa pamumuno ni Director James E. Empeno.

Iba’t ibang klase ng timbang ang Shine Gaz mula sa 1 kilogram; 2.7 kilogram, 5 kilogram; at 11 kilogram na may ina­prubahan ng DTI-BPS na balido hanggang Peb­rero 15, 2022 kung saan nakamarka sa bawat tangke.

Isa sa enforcement arm ng DTI-BPS ay ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) sa pamamagitan ng Surveillance and Monitoring Division ay patuloy na binabantayan ang mga nagpapakalat ng murang LPG tank o cylinder kung ito ay sumusunod sa Fair Trade Laws (FTLs) ng mga negosyo gayundin sa mga batas sa pinaiiral bilang suporta sa BPS.

Show comments