Drug rehab bawat rehiyon
MANILA, Philippines — Target ng Department of Health na makapagpatayo ng isang treatment and rehabilitation facility bawat rehiyon para sa mga drug users sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa ngayon ay National Capital Region (NCR) at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) pa lamang ang mayroong mga rehabilitation center.
Aniya, isa ito sa kanilang nakikitang paraan upang mas maging epektibo ang pagbabago ng mga drug users.
Hindi lamang aniya kailangan na makulong ang isang drug user kung nais nitong kumawala sa kanilang iligal na gawain.
- Latest