Pasig River commission pinabubuwag ni Duterte

Sinabi ng Pangulo sa mensahe nito sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno, hindi na kailangan ang PRRC. Malinis na ang Pasig River kaya hindi na kailangan ang rehabilitasyon ng ilog kaya gusto na niyang ipabuwag ito.
File

MANILA,Philippines — Pinabubuwag na sa Kongreso ni Pangulong Duterte ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Sinabi ng Pangulo sa mensahe nito sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno, hindi na kailangan ang PRRC. Malinis na ang Pasig River kaya hindi na kailangan ang rehabilitasyon ng ilog kaya gusto na niyang ipabuwag ito.

Noong September ay sinibak ng Pangulo ang namumuno sa PRRC na si Jose Gotia dahil sa isyu ng corruption.

Sinibak ng Pangulo si Gotia dahil pinagkakalat daw nitong ililipat siya sa Customs bilang district collector. 

“He’s telling people he will be appointed Customs collector, and already was collecting,” wika ng Pa­ngulo noong September speech nito.

Show comments