Ex-Solgen sinopla sa pakikisawsaw

MANILA,Philippines — Sinupalpal ng Malacañang ang pakikisawsaw ni dating solicitor general Florin Hilbay sa alok ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Vice Pres. Leni Robredo na gawin itong drug czar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang malaking kalokohan ang pahayag ni Hilbay na tuluyan nang ibigay ang kapangyarihan kay Leni. 

Ayon kay Panelo, wala sa wisyo ang pakikialam ni Hilbay dahil wala naman itong bilang o hindi naman ito pinapansin ng Palasyo. 

Iginiit ni Panelo na malinaw naman ang sinabi ng Pangulo na gagawin nitong drug czar ang Pa­ngalawang Pangulo para maranasan nito kung papaano pangasiwaan ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga,  at hindi ibibigay sa kanya ang buong kapangyarihan.

Sinabi naman ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na napapaghalata ang mga taga oposisyon  na naglalaway sa kapangyarihan.

Show comments