Seminar sa pagtimpla ng Milk Tea at Frappe
MANILA, Philippines — Ang Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP) ay magdaraos ng isang araw na seminar kung paano magtimpla ng mga sari-saring milk tea drinks. Isang negosyo na ngayon ay patok lalu na sa mga millennials at negosyong uso sa ating bansa at sa buong mundo ngayon. Ang seminar ay gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre, Biyernes, sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa Golden Treasure Skills Training Center sa 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City. Sa seminar ay magkakaroon ng hands-on experience at actual demo ng paggawa ng ibat ibang milk tea flavors at frappe products. Gayundin ay tuturuan ang mga participants ng tamang pagluluto ng tapioca pearls at tamang pamamaraan ng pagbo-brew ng tsaa tulad ng asam black tea. Gayon din ay ituturo ang sari-saring uri ng mga milk tea sinkers. ltuturo rin ang sourcing of materials at costing at pati ang business side ng negosyong ito tulad ng pag-se set up ng isang milk tea shop, magkano ang kapital na kakailanganin mapa-home based, online base o kung may milk tea shop. Para sa katanungan at reservation tumawag sa 3433-98-14; 7587-47-46; 0927-641-4006; 0908-133-7314 o-i-like and follow ang Golden Treasure Skills and Development Program pati na rin sa Instagram. At pasyalan ang aming website sa www.goldentreasureskills.ph
- Latest