Government officials pinasasabak sa commute challenge
MANILA, Philippines — Isinulong kahapon ng isang Kongresista na upang mabawasan ang malubhang daloy ng trapiko, dapat obligahin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na sumabak sa ‘commute challenge’ isang beses man lang kada Linggo o tuwing Lunes.
Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, magsasampa siya ng panukalang batas na magbibigay ng mandato sa mga halal na opisyal, miyembro ng gabinete at mga Division Chiefs na sumakay ng tricycle, jeepneys, bus at mga tren tuwing Lunes.
“Sa pagsakay sa pampublikong transportasyon, linggu-linggong mapapaalalahanan ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga pagdurusa ng masa araw-araw,” pahayag ni Siao na nagbanggit na isasampa niya ang House Bill na pinamagatang Public Servants’ Commuting via Public Transport Act.”
Una rito, nitong Biyernes ay sumabak sa ‘commute challenge’ si Presidential Spokesman Salvador Panelo na nag-commute ng tatlong oras at kalahati mula Marikina City patungo sa palasyo ng Malacañang lulan ng jeepney bilang tugon sa hamon ng makakaliwang grupo kung saan sa kabila ng na-traffic ng sobra ay sinabing wala umanong krisis sa transportasyon.
Idiniin ni Siao na, para maibsan ang trapiko sa kalakhang Maynila, dapat huwag nang gamitin ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang sariling mga sasakyan at sa halip ay sumakay na lang sila sa tricycles, jeepneys, buses, FX/UVs, light rail, PNR trains, at TNVS units. Kung gustong magbisikleta, pwede rin. Tuwing Monday lang naman,” giit pa nito.
- Latest