MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga lehitimong LPG tank manufacturer sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Energy na gumawa ng aksyon laban sa patuloy na pamamayagpag ng illegal LPG tank manufacturer sa bansa.
Sa liham ng WQSY Marketing kina Usec. Atty. Ruth B. Castelo ng Consumer Protection Group at Director Ronel O. Abrenica ng Fair Trade and Enforcement Bureau, ipinaabot nito na lubos na naapektuhan ang mga lehitimong manufacturer ng LPG tank ng mga illegal LPG tank manufacturers sa bansa.
Una nang inireklamo ang naglabasang LPG tank na Speed Gaz at Bess Gaz na may timbang na 2.7 Kg at 11 Kg na walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings na ibinibigay ng DTI-BPS.
Walang kaalam-alam ang mamimili na may nakaambang panganib sa kanilang buhay sakaling sumabog ang pekeng LPG tank dahil hindi dumaan sa electrochemical, electro magnetic, advanced materials technology at ang temperature at humidity ng isang tunay na LPG tank.