Ambush kay ex-mayor Loot ‘di inutos ng Pangulo - Palasyo
MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na inutos ni Pangulong Duterte ang pananambang kay dating Daang-bantayan Mayor Vicente Loot.
Ito’y matapos inihayag ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi sa Malacañang na pina-ambush na niya ang dating heneral pero buhay pa rin ito.
“General Loot. P— ina mo. Nanalo pa ng mayor. In-ambush kita, animal ka. Buhay pa rin,” ani Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mali ang pagkakaintindi ng media sa naging pahayag na ito ng Pangulo.
Ayon kay Panelo, hindi matatas sa Tagalog ang Pangulo dahil tubong Bisaya kaya paminsan-minsan ay nagkakamali ito sa pagbigkas at pagbuo ng mga pangungusap.
Paliwanag ni Panelo, imbes na “pina-ambush na kita” ay “inambush ka na ngunit buhay ka pa rin” ang nais sabihin ni Pangulong Duterte.
Nabatid na isa si Loot sa pinangalanan ni Pangulong Duterte na umano’y mga police generals na protector ng illegal drug syndicates at noong Mayo 2018 ay masuwerteng nakaligtas sa isang ambush na ikinasugat ng apat na indibidwal.
- Latest