Cardema atras sa Duterte Youth

Sa kanyang notice of withdrawal, sinabi ni Cardema na pinaniniwala sila ni Guanzon na maaaprubahan ang kanilang registration matapos itong humingi ng mga pabor sa kanila.
File

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y “public harassment” ni Commission on Election Commissioner Rowena Guanzon, binawi na ni Ronald Cardema ang kanyang nominasyon bilang Duterte Youth party-list representative.

Sa kanyang notice of withdrawal, sinabi ni Cardema na pinaniniwala sila ni Guanzon na maaaprubahan ang kanilang registration matapos itong humingi ng mga pabor sa kanila.

Una nang kinansela ng Comelec ang nominasyon ni Cardema bunsod ng issue ng over age. Hanggang 30 anyos lamang ang pinapayagang nominee sa Duterte Youth samantalang nasa 34 anyos na si Cardema.

Samantala, tinawag namang “stupid” ni Guanzon ang withdrawal ni Cardema.

“Ako pa rin daw ang dahilan. STUPID,” sa kanyang tweet.

Matatandaang tutol si Guanzon sa nominasyon ni Cardema at inakusahan nito ang huli na nasa likod ng mga banta sa kanyang buhay.

Show comments