Digong ‘di sisibakin si Faeldon

Ayon kay Sec. Pa­nelo, status quo muna sa kani-kanilang mga puwesto ang lahat ng mga opisyales ng ahensiya kabilang si BuCor Chief Nicanor Faeldon habang patuloy ang isinasagawang imbes­tigasyon ng Kongreso.
Michael Varcas

MANILA, Philippines – Wala munang siba­kan sa hanay ng mga opisyales ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa kasaluku­yang estado ng mga opis­yales ng BuCor.

Ayon kay Sec. Pa­nelo, status quo muna sa kani-kanilang mga puwesto ang lahat ng mga opisyales ng ahensiya kabilang si BuCor Chief Nicanor Faeldon habang patuloy ang isinasagawang imbes­tigasyon ng Kongreso.

Sinabi ni Panelo na masusing minomonitor ng Presidente ang pagdinig sa Senado at ikukunsidera nito ang resulta ng imbestigasyon bago siya gumawa ng hakbang.

Nangangahulugan ito na stay put at walang maaasahang galawan sa pamunuan ng BuCor sa gitna ng malakas ng panawagan na sibakin o magbitiw na sa puwesto si Faeldon dahil sa kontrobersiya sa muntik nang paglaya ni convicted murderer at rapist Antonio Sanchez gayundin sa paglaya ng mga pumatay sa magkapatid na Marijoy and Jacqueline Chiong.

 

Show comments