^

Bansa

HRET chair pinag-i-inhibit sa electoral protest case

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-i-inhibit sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Oriental Mindoro 1st district Rep. Paulino Salvador Leachon dahil sa electoral protest na nakasampa laban sa kanya.

Ayon kay Marilou Morillo, kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa unang distrito ng Oriental Mindoro noong nakaraang May 2019 elections, sa ngalan ng integridad at delicadeza, dapat mag-inhibit si Leachon sa HRET.

Si Leachon ay itinalagang chairman ng HRET sa Kamara.

Sa 68 pahinang electoral protest sa HRET na inihain ni Morillo laban sa kongresista noong Hulyo, sinabi niya na mayroong mga hindi maipaliwanag na technical errors ng mga vote counting machines o VCM at mga depektibong SD card na nagresulta sa pagka-delay ng pagsusumite ng resulta ng eleksyon mula sa precinct level hanggang sa Provincial board of canvassers.

Giit niya, dahil sa mga technical errors ng VCMs, naging kaduda-duda ang resulta ng eleksyon kung ito ba ay intensyunal sa layong mamanipula ang eleksyon pabor kay Leachon.

Tanong pa ni Morillo, paano masisiguro ang integridad at walang kikilingan ang desisyon ng HRET kung si Leachon na chairman nito ang siyang didinig ng kaso laban sa kanya.

Pinuna rin ni Morillo na matapos ang pagsusumite ng kanilang protesta laban kay Leachon ay nagmamadali umano itong makuha ang posisyon sa HRET.

Sa isinumiteng electoral protest sa HRET, hiniling ni Morillo ang vote recount at pagbawi sa proklamasyon kay Leachon bilang representante sa unang distrito ng Oriental Mindoro.

HRET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with