^

Bansa

China nag-donate ng P10M sa Batanes quake victims

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
China nag-donate ng P10M  sa Batanes quake victims
Tinanggap nina DILG Sec. Eduardo Año at Batanes Gov. Marilou Cayco ang P10M cash relief mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

MANILA, Philippines — Nagbigay kahapon ng P10 milyong donasyon ang  China sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa rehabilitasyon at relief operations ng tinatayang 2,000 biktima ng lindol sa Batanes nitong Hulyo 27.

Tinanggap nina DILG Sec. Eduardo Año at Batanes Gov. Marilou Cayco ang P10M cash relief mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Sinabi ni Año na lubos siyang nagpapasalamat sa tulong ng pamahalaan ng China lalo na sa panahon ng krisis. Ang China ay isa sa mga bansang tumulong sa tropa ng AFP na nagdonasyon ng mga armas noong kasagsagan ng Marawi City siege.

Ayon naman kay Jianhua, ikinokonsidera ngayon ng kanilang pamahalaan na magbigay rin ng development assistance para sa Batanes.

BATANES QUAKE VICTIMS

RELIEF OPERATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with