^

Bansa

31 na patay sa tumaob na 3 bangka

Ludy Bermudo, Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
31 na patay sa tumaob na 3 bangka
Sa isinasagawang search, rescue at retrie­val operation ng Philippine Coast Guard (PCG), bukod sa 11 bangkay na kinabibilangan ng dalawang lalaki, isang bata at 8 babae, may panibagong 20 bangkay ang nadiskubre kung saan 10 ang natagpuan sa ilalim ng MB Jenny Vince sa Naluoyan Port, Dumangas town, Iloilo bandang alas 6:00 ng umaga habang ang isa pa ay nakitang lumulutang sa dagat sa lugar ding ito.

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 31 ang natagpuang patay, 5 ang nawawala at 52 ang nasagip sa pagtaob ng tatlong pampasaherong bangka sa Iloilo-Guimaras Strait noong Sabado ng hapon.

Sa isinasagawang search, rescue at retrie­val operation ng Philippine Coast Guard (PCG), bukod sa 11 bangkay na kinabibilangan ng dalawang lalaki, isang bata at 8 babae, may panibagong 20 bangkay ang nadiskubre kung saan 10 ang natagpuan sa ilalim ng MB Jenny Vince sa Naluoyan Port, Dumangas town, Iloilo bandang alas 6:00 ng umaga habang ang isa pa ay nakitang lumulutang sa dagat sa lugar ding ito.

Dakong alas 2:00 ng hapon nitong Linggo nang matagpuan ng SAR team ang 9 na katawan mula sa lumubog na MB Chi-chi at MB Keshia 2. Nasa 30 survivors, 3 ang ginagamot sa ospital habang 3 ang nawawala na pawang mga lalaki batay sa manifesto at 4 ang nakasurvive na may kabuuang 51.

Ang ikatlong bangka na MB Jenny Vince ang nagtala ng 20 patay, 18 survivors at 2 pa ang nawawala.

Papuntang Guimaras mula Iloilo ang natu­rang mga bangka nang salpukin sila ng malala­king alon dahil sa mala­kas na hangin dulot ng habagat kaya tumaob. 

Kinilala ang 28 sa mga nasawi batay sa talaan ng United Filipino Seafarers na ibinigay ng RMN Radio Iloilo na sina Jhinny Con­destable, 32; Adora Java, 34; Jen Lloyd Salanatin, 9; Claire Faith Segovia, 32; Rachel Soltires, 18; Cynthia Eleasario, 54; Lourdes Gasanggan, 38; Eliezar Galotera, 56; Jhairuz James Alejado, 1 y.o.; Angelita Basco, 51; Lemmy Rombla, 58; Lyn-Lyn Janolino, 26; Andrew Valenzuela, 39; Eden Perales, 37; Jackie Alfires, 29; Romeo Baguio Jr., Jay Arvien Baguio, 3; Danilyn Baguio, Zenie Anilao, Emely Legada, Ivy Labordo, Jorge Buenavista, 40; Nena Gardoce, midwife at Rose Telis.

Pansamantala nang sinuspinde ang biyahe sa Iloilo City patungong Guimaras.

vuukle comment

ILOILO-GUIMARAS STRAIT

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with