^

Bansa

Pinagsamang Habagat, LPA pinasusungit ang panahon sa kalakhang bansa

James Relativo - Philstar.com
Pinagsamang Habagat, LPA pinasusungit ang panahon sa kalakhang bansa
Sinuspinde na rin ang pasok sa ilang bahagi ng Luzon kasunod ng mga pag-ulan.
Screengrab from Dost_pagasa

MANILA, Philippines — Bagama't nag-landfall na sa silangang bahagi ng Tsina, pinasasama pa rin ng tropical storm "Wipha" ang lagay ng panahon sa Pilipinas.

Ito'y dahil naaapektuhan pa rin nito ang umiiral na southwest moonsoon o Hanging Habagat na nagbibigay ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

"Patuloy pa rin pong napapalakas itong Habagat dahil po 'yan dito sa bagyo, sabi ni Gener Quitlong, weather specialist ng Pagasa sa kanilang forecast alas-kwatro ng umaga.

Dahil dito, nararanasan ngayon ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga sumusunod na lugar sa probinsya ng Pangasinan:

  • Bolinao
  • Bani
  • Alaminos City
  • Andana 
  • Agno 
  • Burgos
  • Dasul
  • Mabini
  • Sual
  • Infanta
  • Labrador
  • Bugallon
  • Lingayen
  • Binmaley
  • Calasiao
  • San Carlos City
  • Aguilar
  • Mangatarem
  • Urbiztondo

Maaari namang maranasan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa sumusunod na bahagi ng Pangasinan sa mga susunod na oras:

  • Dagupan City 
  • Mangaldan
  • San Fabian
  • San Jacinto
  • Santa Barbara
  • Malasiki
  • Basista
  • Bayambang
  • Mapandan

Maliban sa mga nabanggit na lugar sa taas, direktang naaapektuhan din ng moonsoon rains ang Zambales at Bataan.

"Ang nalalabing bahagi ng Ilocos region, Cordillera Admnistrative Region, nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon, Metro Manila, MIMAROPA kasama po ang CALABARZON ay naaapektuhan din po ng Habagat," dagdag pa ni Quitlong.

Dahil diyan, sinuspinde na ang pasok sa mga nabanggit na lugar.

LPA pauulanan ang Bikol, Visayas, bahagi ng Mindanao

Samantala, damay din sa sama ng panahon ang Kabikulan, kabuuan ng Visayas, rehiyon ng Caraga at Hilagang Mindanao.

'Yan ay dahil naman sa epekto ng "trough" ng low pressure area na namataan 915 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-tres ng madaling araw.

Kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang mararanasan doon ngayong araw.

HABAGAT

LOW PRESSURE AREA

MONSOON

PAG-ASA

RAINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with