MANILA, Philippines — Magpapatupad ng dagdag-bawas ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa darating na Martes kasunod ng panibagong pagbabago sa presyo ng imported na krudo sa internasyunal na merkado.
Tinatayang nasa P1 hanggang P1.15 kada litro ang itatapyas ng mga oil companies sa presyo ng gasolina na nagsimula na nitong Linggo ng umaga.
Itataas naman ang presyo ng Diesel mula sa maliit na P.10 sentimos kada litro at P.10 sentimos rin sa kada litro ng kerosene.
Nauna nang nagtapyas ng P1 kada litro ng gasolina ang Phoenix Petroleum kahapon ng umaga habang sumunod ang independent player na Clean Fuel na nagbawas rin ng P1 nitong Linggo ng hapon.
Nagpahayag din ng kahandaan ang Petro Gazz na magrolbak ngunit mas maliit na P.95 sentimo ang plano nilang ibaba. Inaasahan naman na mag-aanunsyo rin ang ibang kumpanya ng langis ng kanilang pagbabago sa presyo.