Nationalities ng 7 foreign terrorists may identity na

Kabilang sa mga ito ay Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinukoy na kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nationality ng pitong dayuhang terorista na sumapi na sa mga local terror group sa Western Mindanao.

Kabilang sa mga ito ay Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean.

Una nang kinumpirma ni AFP-Western Min­danao Command (Westmincom) Chief  Lt. Gen Cirilito Sobejana na may pitong teroristang banyaga ang nakapasok sa Western Mindanao at nagsasanay sa mga local terrorists na Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah (DI) para maging bomber.

Nakakapasok anya ang mga dayuhang terorista na ito sa bansa sa pamamagitan ng maliit na bangka ga­ling Malaysia o Indonesia patungo sa Tawi tawi hanggang sa makarating na sa Jolo, Sulu. 

Show comments