Digong ‘di makikialam sa botohan sa House Speaker
MANILA, Philippines — Dahil sa ingay ng kudeta sa Kamara hindi na pakikialaman ni Pangulong Duterte ang mga congressmen sa pagpili kung sino ang kanilang magiging House Speaker.
Ayon sa Pangulo, napilitan lang siya nuon dahil lagi siyang nililigawan at sinusundan upang masungkit ang endorso pero sa totoo ay ayaw talaga umano niya dahil kaibigan niya ang tatlo na sina Reps. Alan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco at Martin Romualdez.
“Mas gusto ko nga na sila talaga mamili kasi baka sabihin “rubber stamp ang Kamara” ayon sa Pangulo.
Samantala, inaasahang magkakaroon muna ng “showdown” bago makapaghalal ng bagong Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes.
Ito’y matapos na imbitahan ni Cayetano at Davao City Rep. Paolo Duterte ang mga kongresista sa isang almusal sa Lunes ng alas-8 ng umaga sa Kamara.
Habang bandang alas-10 ng umaga magbubukas ang Kamara para pagbotohan kung sino ang magiging bagong Speaker.
- Latest