^

Bansa

P1 milyong pabuya alok ni Mayor Isko sa ikahuhuli ng 7 holdaper ng Metrobank

James Relativo - Philstar.com
P1 milyong pabuya alok ni Mayor Isko sa ikahuhuli ng 7 holdaper ng Metrobank
Nangyari raw ang insidente bandang 8:40 ng umaga, Huwebes, kung kailan kabubukas lang ng naturang branch ng Metrobank.
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Nilooban ang isang bangko sa Binondo, Maynila ng mga armadong kawatan kaninang umaga, dahilan para mag-alok ang kanilang alkalde ng P1 milyong reward para sa kanilang pagkakaaresto.

"I am now offering P1 million for the arrest of these at least 7 suspects (Nag-aalaok ako ng P1 milyon para sa ikahuhuli ng pitong pinaghihinalaang salarin) na kinuha yung CCTV ng bangko," ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso Huwebes ng umaga. 

Nangyari raw ang insidente bandang 8:40 ng umaga, Huwebes, kung kailan kabubukas lang ng naturang branch ng Metrobank.

"Ipinasok mga tao, empleyado sa isang kwarto. Ang good news, wala naman nasawi o nasaktan na mga empleyado," dagdag ni Domagoso.

Nakarating naman ang ulat sa Philippine National Police bandang 9:18 a.m., ayon kay PLt. Col. Noel Calderon Aliño ng Manila Police District-Station 11.

Pero kahit dumating ng bandang 9:20 a.m. ang mga otorodad, sinasabing 11:20 a.m. lang na pinayagang makapasok ang PNP-Scene of the Crime Operatives — dalawang oras mula nang dumating sa lugar.

Ayon sa chief of staff ni Domagoso na si dating Transportation Undersecretary Cesar Chavez, pinayagan lang na makapag-imbestiga ang SOCO nang umepela ang mayor.

Hawak naman na raw ng MPD ang kopya ng CCTV mula sa barangay.

"To those individuals na nanonood, lahat ng nanonood, sino man sa inyo ang nakakaalam, makakaalam, makapagbibigay ng impormasyon para masakote itong mga kriminal na pumunta sa Maynila, bibigyan po namin kayo ng pabuya na isang milyong piso," dagdag ni Isko.

"[H]ahanapin po namin kayo, hindi namin kayo bibigyan ng kapanatagan... Dalhin natin sila sa mata ng batas, papanagutin natin sila."

Mas mabilis sa pagresponde

Bagama't naantala ang pagpasok ng bangko, ipinagmalaki naman ni Isko ang bilis ng pagresponse ng mga pulis sa lugar.

Aniya, patunay lang daw ito na gumagana ang clearing operations na isinasagawa ng lokal na gobyerno.

"[I]f I may put it in right perspective, ang pulis natin nakaresponde in 2 minutes, Task Force Divisoria, because maluwag ang kalye," wika ng actor-turned-politician.

"Ito ang sinasabi natin na epekto ng pagsasaayos ng kalye."

Kung nangyari raw ang insidente noong mga nakaraang linggo, maaaring marami raw na nadamay lalo na't armado ang mga magnanakaw.

"Pero ngayon, dahil sa nakagalaw ang ating kapulisan sa nangyaring ito, walang nasawi o other things that may arise," kanyang dagdag.

Sa kabila ng pagluwag ng mga kalsada, humaharap pa rin sa kritisismo mula sa grupong Kadamay ang mga operasyon ng Manila LGU dahil sa diumano'y kawalan ng konkretong proyektong aagapay sa mga maniningang napaaalis sa kalye.

BANK ROBBERY

ISKO MORENO

MANILA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with