Sa pagsali ni Pulong walang masama - Palasyo

Nabatid na inihayag kamakailan ni Pangulong Duterte na magbibitiw ito sa puwesto kung magi­ging Speaker si Pulong dahil ayaw niya ng maraming Duterte sa poder.
Presidential photo/Joey Dalumpines

MANILA, Philippines – Walang nakikitang masama ang Malacañang kung itutuloy ng anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang paha­yag nitong pagsali na rin sa House Speakership race.

Nabatid na inihayag kamakailan ni Pangulong Duterte na magbibitiw ito sa puwesto kung magi­ging Speaker si Pulong dahil ayaw niya ng maraming Duterte sa poder.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat naman ay may karapatan sa pagi­ging Speaker pero hintayin na lamang ang susunod na development lalo’t anunsyo pa lang naman ang ginawa ni Rep. Pulong.

Inihayag pa ni Sec. Panelo na maaari ring magbago ang pahayag ni Duterte na mag-resign, depende kung ano ang magiging sirkumstansya kapag nanalong Speaker ang Presidential Son.

Mas mabuti aniyang tanungin na lamang umano si Pangulong Duterte kung ano ang masasabi sa naging anunsyo ng kanyang anak.

Show comments