Free internet sa lahat ng transport terminal, batas na!

Kahapon lang inilabas ng Malacañang ang kopya ng Republic Act 11311 na pinirmahan ng Pangulo noong Abril 17.

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang free internet service at malinis na sanitary facilities sa lahat ng transport terminal sa bansa matapos itong lagdaan ni Pangulong Duterte.

Kahapon lang inilabas ng Malacañang ang kopya ng Republic Act 11311 na pinirmahan ng Pangulo noong Abril 17.

Nakasaad sa bagong batas na inaatasan ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology sa coordination ng Department of Transportation at iba pang ahensiya upang ipatupad ito sa lahat ng transport terminals sa bansa.

Nakasaad din na da­pat may hiwalay na lactation stations para sa breastfeeding mothers.

Libre dapat itong ma­gamit ng mga pasahero at walang dapat singilin ang mga terminal operators.

Nagtakda ng kaukulang multa para sa mga transport terminal ope­rators na hindi susunod sa bagong batas.

Show comments