^

Bansa

5K pulis magbabantay sa SONA

Gemma A. Amargo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para masiguro ang katahimikan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo 22, magtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng 5,000 pulis para magbantay sa labas ng Batasan Complex.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar, sa kabila nito ay paiiralin pa rin umano nila ang maximum tolerance sa mga ralista.

Nilinaw naman ni Eleazar na hindi sila maglalagay ng barbed wire para harangan ang mga magrarali tulad ng ginagawa nila nitong mga nakaraang taon dahil ang mga pulis umano ang haharang sa mga ito.

Wala naman uma­nong namomonitor ang pulisya na banta sa seguridad sa SONA ng Pangulo. Sa kabila nito patuloy na magiging alerto ang kapulisan.

Subalit ang mala­king hamon umano sa PNP ay kung saan ilalagay ang iba’t ibang grupo ng mga raliyista na magpo-programa.

Katulad umano ng nakaraang tatlong SONA ay hangarin din umano ng kapulisan na maging mapayapa at maayos ito ngayon.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with