5 brand ng suka may ‘synthetic acetic acid’
MANILA, Philippines — Limang brand ng suka ang kinakitaan ng Food and Drug Administration (FDA) na nagtataglay ng synthetic acetic acid.
Ito ay kinabibilangan ng Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.
Batay sa June 4, 2019 advisory ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, lumilitaw na ang mga naturang suka na may iba’t ibang expiration ay nagtataglay ng ”synthetic acetic acid.”
“Any artificial matter such as synthethic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” nakasaad sa advisory.
Ayon kay Domingo, bagamat hindi dapat nagtataglay ng synthetic acetic acid ang suka wala rin naman itong panganib sa kalusugan. Aniya, bumababa lang ang kalidad ng suka.
Ang pagkakaroon ng synthetic acid ay indikasyon daw na hindi dumaan sa fermentation ang suka o culture process na ginagawa sa produksiyon ng commercial vinegar.
- Latest