Bagong oil, gas explorations giit
MANILA, Philippines — Maaaring dumanas pa ng regular na power interruption ang bansa hanggang hindi nagagawang sapat ang numinipis na oil at gas reserves at maisulong ang energy independence sa mga susunod na taon.
Sinabi ni GlobalData power industry analyst Harshavardhan Reddy Nagatham na ang lumolobong populasyon sa Pilipinas ay nagtutulak sa patuloy ring pagtaas ng konsumo sa kuryente sa bansa kaya kailangan ngayon na palawakin ang kapasidad nito pagdating sa enerhiya.
Nagiging hadlang din sa mga inisyatibo ng bansa para sa oil at gas explorations ang pananamlay ng investors dahil sa mga hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ng Commission on Audit (CA) at Department of Energy (DoE).
Umaasa ang mga mamumuhunan na tatanggalin ng pamahalaan ang kasalukuyang hadlang tulad ng COA vs DoE sa isyu ng government shares mula sa Malampaya gas-to- power project na malapit nang matapos ang production life.
Ikinatuwa ng mga investor ang desisyon kamakailan ng international arbiters pabor sa DoE/Malampaya consortium sa legal na usapin sa COA.
- Latest