3 interesado sa Speakership nakipagkita kay Duterte

Happy together. Masa­yang nagpakuha ng selfie si Pa­ngulong Duterte kay Leyte Rep. Martin Romualdez sa Japan. Bahagi si Romualdez, isa sa mga malalakas na kandidato sa speaker­ship race at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), ng official delegation sa biyahe ng Pangulo sa Japan.

MANILA, Philippines — Nakipagkita kay Pa­ngulong Duterte sa Tokyo, Japan ang tatlong kongresista na nais tumakbong Speaker ng Kamara.

Ayon kay Senator-elect Bong Go, wala pa naman kina Taguig City Rep.-elect Alan Peter Cayetano, Leyte Rep.-elect Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang ineendorso ang Pangulo dahil hangga’t maaari ay ayaw nitong makialam sa mga panloob na aktibidad at trabaho sa Congress.

Ayon pa kay Go na kasama ng Pangulo sa 4-day working visit sa Japan, hiniling umano ng tatlo kay Pangulong Duterte na pag-isipan kung sino ang susuportahan nito sa speakership.

Wala namang nabanggit ang incoming senator kung inilatag nina Velasco, Romualdez at Cayetano kay Pangulong Duterte ang posibilidad na magkaroon na lamang sila ng hatian sa termino o term sharing.

Bukod dito, target din na maging speaker sina Davao Rep. Pantaleon Alvarez, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Antique Rep.-elect Loren Legarda.

Show comments