Kantang ‘Amatz’ i-ban – PDEA

Sa sulat ni PDEA Director General Aaron Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), at ABS-CBN Corporation na huwag ng iere, patugtugin at gamitin ang kantang ‘Amatz’ sa iba’t ibang media promotion.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinihiling ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na i-ban ang kantang “Amatz” ng Shantie Dope.

Sa sulat ni PDEA Director General Aaron Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), at ABS-CBN Corporation na huwag ng iere, patugtugin at gamitin ang kantang ‘Amatz’ sa iba’t ibang media promotion.

“The chorus of the song is mostly about ‘Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal. At the same time, the lyrics also mention, Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sayo ng gramo, di bale ng musika ikamatay,” ani Aquino.

Sabi ni Aquino, pino-promote ng nasabing kanta ang paggamit ng droga at marijuana kaya nais niyang mai-ban na ito.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound,” ani Aquino.

Ayon pa sa PDEA chief, nirerespeto niya at mataas ang kanyang paghanga sa mga artist at music industry sa bansa pero ang awiting “Amatz” ay hindi katanggap-tanggap sa kanyang pandinig dahil hinihikayat nito ang publiko sa paggamit ng bawal na gamot.

Giit pa ni Aquino, ang pag-feature ng ‘Amatz song’ ay naglalayong ilagay ang publiko lalo na ang mga kabataan sa paggamit ng bawal na gamot.

“This runs contrary to Duterte’s administration crusade against illegal drugs,” sabi pa ni Aquino.

Show comments