MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Philippine Society of Hypertension hinggil sa pagbili o paggamit ng mga herbal medicine, pain reliever at mga food supplement na binebenta sa Facebook.
Sinabi ni Dr. Leilani Asis, pangulo ng PSH, na walang tiyak na scientific study o pharmacological test na nagpapatunay na mabisa at mapagtitiwalaan ang mga naka-post sa social network na bukod dito ay maaari ring makasira ng vital internal organs na wala namang diperensia.
Payo ni Asis, bago bumili o gumamit ng mga naturang gamot mula sa social network, dapat kumonsulta muna sa tamang espesiyalista sa sakit upang makatiyak sa tamang iinumin ng pasyente.