Canada sasagutin ang gastos sa basura
MANILA, Philippines — Sasagutin ng Canadian government ang gastusin sa pagpapabalik ng mga basurang itinambak sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang iniulat ng DFA at DENR sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa.
Iniutos din ni Pangulong Duterte na hindi na dapat papasukin sa bansa ang anumang garbage shipments mula sa ibang bansa.
Magugunita na nagbanta si Pangulong Duterte na kapag hindi kaagad kinuha ng Canada ang kanilang itinambak na basura ay itatapon niya ito sa mga beaches ng Canada.
Nasa 103 containers ng basura mula Canada ang dumating sa Pilipinas noong 2013 hanggang 2014 kung saan ay nasa 26 containers nito ang ibinaon sa Tarlac landfill.
- Latest