MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Rordrigo Duterte ang mga Kristiyanong Pilipino ngayong Cuaresma na tuparin ang kanilang obligasyong paglingkuran ang sambayanan, lalo na yaong mga pinakanangangailangan.
Aniya, malaki ang naitulong ng pananampalataya ng mga Pilipino para mananatiling matatag, lalo na sa panahon ng krisis.
"Important occasions in our communities are usually anchored in our religious traditions, especially during this Lenten Season," sabi ni Digong sa isang mensahe.
(Marami sa mga mahahalagang okasyon ng ating komunidad ay nakaangkla sa ating mga relihiyosong tradisyon, lalo na ngayong Cuarsema.)
"May this blessed occasion be an opportunity for prayer and reflection as we strive to uphold what is good and just," dagdag niya.
(Nawa'y maging pagkakataon ang okasyong ito para makapagdasal at makapagnilaynilay habang itinataguyod ang tama at katwiran.)
Nitong Miyerkules, sinabi ng presidente na naniniwala siya sa Diyos at takot sa karma, na tila pagbali niya sa mga batikos laban sa panampalatayang Kristiyano.
"I trust that the virtues of faith, hope and charity will continue to drive all our efforts in nation-building. With guidance from Christ’s sacrifice, let us work towards the attainment of our noble aspirations for the nation," wika ni Digong.
(Nagtitiwala ako na ang mga turp ng pananampalataya, pag-asa at pagiging bukas-palad ay makatutuong sa pagtataguyod ng bayan. Sa gabay ni Ktristo, magtulugan tayo para makamit ang ating mga mithiin para sa bayan.)
Malimit makipagtalo si Duterte sa Simbahang Katoliko — na impluwensyal pagdating sa mga usaping sosyo-pulitikal — dahil sa dami ng mga namamatay sa madugong gera kontra droga.
Ilang beses na ring nagbiro ang pangulo tungkol sa paglikha ng sarili niyang relihiyon, na tinawag niyang "Iglesia ni Duterte" sa kanyang mga birada sa Simbahan.
“You say Duterte killer. You priests, you blame me for the death of thousands of drug addicts, even those who died in hospitals, you still blame me. But you are the ones who killed Christ,” sabi niya sa isang talumpati noong 2016.
(Ang sabi niyo, Dutere killer. Kayong mga pari, sinisisi niyo ako sa pagkamatay ng libu-libong adik, kahit na 'yung mga nasa ospital. Ako pa rin. Pero kayo naman ang nagpapatay kay Kristo.)
“There is something new these days. Iglesia ni Duterte naay bag-o. Walay bawal-bawal puwede lima ka asawa. Pero saw-a ang problema."
(Meron tayong bago. Iglesia ni Duterte. Walang bawal-bawal, pwede kang magkaroon ng limang asawa. Basta responsable ka sa mga problema mo.)