Epektibong TES iginiit ni Bam
MANILA, Philippines — Bilang mahalagang bahagi ng batas sa libreng kolehiyo, dapat epektibong maipatupad ang Tertiary Education Subsidy (TES) program para mapakinabangan ng mga estudyante sa pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad, ayon kay Senador Bam Aquino, principal sponsor ng batas sa libreng kolehiyo.
Ayon sa kanya, dapat tiyakin ng Commission on Higher Education (CHED) na epektibong nahahatid ang tulong sa ilalim ng TES sa mga nangangailangang estudyante para sa iba pang gastusin sa paaralan, tulad ng pagkain, libro at matutuluyan.
- Latest